Home HOME BANNER STORY Luistro: Impeachment proceedings, alinsunod sa Konstitusyon

Luistro: Impeachment proceedings, alinsunod sa Konstitusyon

151
0

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro ang impeachment proceedings ng House Committee on Justice laban kay Vice President Sara Duterte, na kanyang pinamumunuan, sa gitna ng mga kritisismo na umano’y labag sa Konstitusyon.

Ayon sa komite, sinimulan noong Miyerkules ang apat na araw na “hearing proper” upang alamin kung may probable cause para iakyat sa Senado ang mga impeachment complaint laban kay Duterte.

Hindi dumalo si Duterte sa pagdinig at tinawag niya itong “fishing expedition” laban sa kanya.

Ayon sa kanyang mga abogado, ang proseso ay “unconstitutional” at maituturing umanong “mini-trial,” na eksklusibong tungkulin lamang ng Senado bilang impeachment court.

Ipinunto rin ng legal team na bagama’t may kapangyarihan ang Kamara na mag-umpisa ng impeachment, wala itong karapatang magsagawa ng anumang uri ng trial.

Posible rin umano nilang dalhin sa Korte Suprema ang usapin.

Sinabi ni Luistro na ang terminong “mini-trial” ay ginamit lamang upang ipaliwanag sa publiko ang proseso sa Kamara kumpara sa Senado.

“I used mini-trial to make them understand, ‘A ito pala maliit na proseso,’ compared doon sa nangyayari sa Senado, which is the real trial,” aniya, bagama’t inamin niyang maaaring “misplaced” ang paggamit ng termino.

Giit niya, may kapangyarihan ang Kamara na magtakda ng sarili nitong rules sa impeachment alinsunod sa Konstitusyon.

Sinabi rin ni Luistro na maingat ang kanilang komite sa paghawak ng kaso upang maiwasan ang pag-ulit ng naunang impeachment noong 2025 na naibasura ng Korte Suprema dahil sa procedural issues.

Dagdag niya, ang paghusga sa proseso ay dapat nakabatay sa mga aktwal na gawain ng komite, hindi sa mga label o tawag dito.

Si Duterte ay nahaharap sa mga akusasyon ng maling paggamit ng confidential funds at umano’y pagbabanta ng kamatayan laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang dati niyang kaalyado. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here