Home ENTERTAINMENT Luka, nakapagpyansa, balik-trabaho na!

Luka, nakapagpyansa, balik-trabaho na!

Manila, Philippines- Nakalaya na muli ang drag artist na si Pura Luka Vega makaraang magpiyansa.

Kung matatandaan ay muling inaresto si Pura dahil sa mga kasong kinakaharap bunga ng kontrobersiyal niyang “Ama Namin” performance noong nakaraang taon.

Sa post sa X (dating Twitter) nitong Biyernes nang hapon, sinabi ni Drag Den Philippines director Rod Singh, na nabuo ang pampiyansa kay Luka sa tulong ng mga may mabubuting loob na nagpa-utang,

“Tuloy-tuloy ang ating fundraising efforts dahil kulang pa talaga ang na-raise natin pero may mga mabubuting loob na nagpa-utang,” sabi ni Singh.

Noong Huwebes, February 29, inaresto muli si Luka ng mga awtoridad makaraang maglabas ng arrest warrant ang korte sa Quezon City “for three counts of the same crime.”

Ayon sa naunang post ni Singh, P360,000 ang inirekomendang piyansa kay Luka.

“Baik trabaho si Luka para sa kanyang legal expenses. Muli ninyong mapapanood si Luka sa Huwebes sa gaganaping finale concert ng Drag Den S2 sa NewPort Resorts World,” sabi ni Singh.

Matatandaan na noong Oktubre 2023 nang unang dakpin si Luka sa bisa ng arrest warrant ng Pasay City court matapos na ireklamo siya bunga ng kanyang kontrobersiyal at viral na “Ama Namin” performance na ipinost sa social media noong July 2023. Rommel Placente

Previous articleKasunduan sa SoKor sa deployment ng seasonal Pinoy workers pinaplantsa ng DMW
Next articleMga magsasakang apektado ng El Niño aasistihan ng DA