Home NATIONWIDE Lumalalang online scams sa Holy Week, ibinabala sa publiko

Lumalalang online scams sa Holy Week, ibinabala sa publiko

159
0

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ang publiko laban sa pagdami ng online scams ngayong Semana Santa, kasabay ng pagtaas ng paggamit ng digital platforms at online transactions.

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi ito nagpapadala ng tulong sa pamamagitan ng unsolicited text messages na may kasamang links, matapos kumalat ang mga pekeng mensahe online.

Kasunod ito ng babala ng GCash hinggil sa pagtaas ng kaso ng panlilinlang, kabilang ang mga mensaheng nagpapanggap na mula sa DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno na nag-aalok umano ng ayuda gaya ng e-fuel voucher.

Pinayuhan ang publiko na iwasan ang pag-click ng kahina-hinalang links, huwag gumamit ng unsecured public Wi-Fi, at tiyaking beripikado ang mga social media account bago makipag-ugnayan.

Pinaalalahanan din ang mga user na huwag ibahagi ang kanilang one-time password (OTP), MPIN, at iba pang sensitibong impormasyon upang maiwasan ang fraud.

Hinimok ng GCash ang publiko na agad i-report ang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang Help Center, gayundin sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group at Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

Patuloy namang nakikipagtulungan ang GCash sa mga ahensya ng gobyerno upang labanan ang online scams at maprotektahan ang publiko. Jocelyn Tabangcura Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here