Home ENTERTAINMENT Lumang interview sa parents ni Heart, binuhay!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Lumang interview sa parents ni Heart, binuhay!October 8, 2025 12:482550 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Tila idinidikdik muli sa kamalayan ng Pinoy na hindi karapat-dapat na asawa si Senator Chiz Escudero kay Heart Evangelista.Muli kasing binuhay ang matagal nang nananahimik na TV interview sa mga butihing magulang ng fashion icon-actress.Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na kontra noon sina Rey at Cecille Ongpauco kay Chiz bago nito pinakasalan ang anak.Lantarang sinabi ni Ginang Ongpauco na kung maaari’y layuan na ng pulitiko si Heart.’Yun din ang sentimyento ni Rey na naramdamang lumalayo na raw ang anak at mas pinapaboran pa ang noo’y nobyo nito.Matatandaang “no show” si Ginang Cecille sa kasal ng anak, who was married twice—isa roon ay ginanap pa sa Balesin.Masasabing “smear campaign” ang pagkalat muli ng video dahil sa pagkakadawit ni Chiz sa anomalya kaugnay ng insertions sa flood control projects.Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang umano’y involvement ng mambabatas sa nasabing isyu.Itinanggi na ni Chiz ang mga paratang sa kanya.Samantala, wari’y collateral damage si Heart na naiisyuhan sa pagiging lavish ang lifestyle.Isyu rin ang ilang milyong pisong halaga ng regalong singsing ni Chiz kay Heart. Ronnie Carrasco III