Home HOME BANNER STORY Patong-patong na tax evasion case inihain ng BIR vs Discayas

Patong-patong na tax evasion case inihain ng BIR vs Discayas

289
0

MANILA, Philippines – Patong-patong na tax evasion cases ang isinampa laban sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, kasama ang isang corporate officer ng St. Gerrard Construction.

Ngayong umaga, isinumite ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang mga dokumento sa Department of Justice (DOJ) para sa paghahain ng multiple tax evasion cases laban sa mag-asawa at sa nasabing corporate officer.

Ayon kay Lumagui, umabot sa ₱7.1 bilyon ang kabuuang tax liability ng mga Discaya, na kinabibilangan ng hindi nabayarang income tax mula 2018 hanggang 2021, excise tax para sa siyam na luxury vehicle, at documentary stamp tax kaugnay ng umano’y divestment mula sa apat na construction firm.

Sinabi rin ng BIR na walang rekord ng pagbabayad ng documentary stamp tax ang mag-asawa, dahilan upang mapatunayang hindi sila tunay na nag-divest sa mga kumpanyang ito.

Nagpapatuloy naman ang audit ng BIR at posibleng madagdagan pa ang mga kaso laban sa mag-asawang Discaya at iba pang kontraktor na sangkot sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Tiniyak ni Lumagui na maipapakulong ang mag-asawang Discaya at iba pang opisyal ng kanilang mga kumpanya dahil sa paglabag sa mga batas sa buwis ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here