Home NATIONWIDE Pinas, nanatiling strong investment destination’ sa kabila ng isyu ng korapsyon —...

Pinas, nanatiling strong investment destination’ sa kabila ng isyu ng korapsyon — Malakanyang

267
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Malakanyang na mananatiling strong investment destination ang Pilipinas dahil sa patuloy na pagtitiwala ng mga foreign investor sa pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang korapsyon at panindigan ang interes ng publiko.

Sa press briefing sa Malacañang, tinukoy ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang nagpapatuloy na anti-corruption efforts ng administrasyon bilang pangunahing dahilan ng patuloy na tiwala mula sa international business community.

Tinanong si Castro kung paano naapektuhan ng usapin ng korapsyon ang imahe ng Pilipinas.

“Definitely po, kahit papano po ay magkakaroon ito ng epekto,” ani Castro.

“But marami po sa investors na mas gugustuhin po nila na ang gobyerno ay lumalaban sa korapsyon. Mas gugustuhin po nila na ipinaglalaban ng gobyerno ang karapatan ng taumbayan,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Castro na maraming foreign investor ang mas piniling makatrabaho ang gobyernong may malinaw na komitment sa good governance.

Aniya, ang matatag na posisyon ng gobyerno laban sa korapsyon ay nagbigay ng malakas na mensahe ng katatagan at pananagutan sa mga potensyal na mamumuhunan, na lalo pang nagpapatatag sa long-term attractiveness ng bansa para sa foreign capital at partnerships.

“So, with that, mas mananatili siguro ang tiwala nila sa Pilipinas para dito mag-invest,” pagtatapos ni Castro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here