MANILA, Philippines- Natagpuan ang luxury van ng dinukot na 14-anyos na Chinese student sa Bulacan isang araw matapos kidnapin ang biktima.
Ayon sa ulat nitong Biyernes, natagpuan ang abandonang van 100 metro ang layo mula sa Bypass Road sa Kaingain, San Rafael, Bulacan noong February 21, isang araw lamang matapos ang pagdukot.
Sa loob ng van, natuklasan ang bangkay ng 29-anyos na driver na sa likod ng driver’s seat.
Natagpuan ang katawan kung saan nakatali ang kanyang mga kamay sa kanyang likod, may saksak sa ulo at mga tagiliran, at marka na nagpapahiwatig na sinakal siya gamit ang wire, na natagpuan din sa sasakyan.
“‘Yung amount po ng blood doon sa floor is parang doon po talaga siya tumulo,” wika ni San Rafael Police Chief Police Lieutenant Colonel Eisbon Llamasares.
Samantala, may gasgas ang sasakyan sa kaliwang bahagi ng rear end, na tumugma sa kidnapping victim.
Nawawala naman ang digital rearview mirror na may camera ng sasakyan, habang sinira ang dashboard.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng pamilyar ang suspek sa lugar.
Anang ina ng biktima, ang driver ay dating empleyado ng isang casino sa Clark, Pampanga, at madalas i-post ang kanilang sasakyan at tahanan sa social media.
Pinasalamatan ng pamilya ang Philippine government, ang Chinese Embassy, at ang paaralan ng estudyante.
Tinutunton pa ng mga pulis ang mga suspek sa kidnapping, habang nailabas na ang biktima mula sa ospital. RNT/SA