MANILA, Philippines- Tatlong beses nagbuga ang bulkang Kanlaon sa Negros Island ng abo na tumagal ng mahigit dalawang oras, ayon sa state volcanologists nitong Sabado.
Sa bulletin saklaw ang 12 a.m. ng Biyernes hanggang 12 a.m. nitong Sabado, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na tumagal ang tatlong ash emission events ng tatlo hanggang 136 minuto.
Sinabayan ito ng 24 volcanic earthquakes, kabilang ang tatlong volcanic tremors na halos kasing tagal ng ash emissions.
Naobserbahan ng state volcanologists ang moderate 150-meter tall plume na nagtungo sa southwest at west-southwest direction.
Nagpalabas naman ang Kanlaon ng 2,756 tons ng sulfur dioxide.
Nananatili ang Alert Level 3 sa Kanlaon, nangangahulugan ng intensified o magmatic unrest.
Inirekomenda ang paglikas mula sa six-kilometer radius sa paligid ng summit ng bulkan. RNT/SA