Home NATIONWIDE Luzon Grid isasailalim sa yellow alert ngayong Miyerkules

Luzon Grid isasailalim sa yellow alert ngayong Miyerkules

MANILA, Philippines- Ilalagay ang Luzon Grid sa ilalim ng yellow alert ngayong Miyerkules ng hapon at gabi, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa isang pot sa Facebook, inihayag ng NGCP na ipatutupad ang yellow alert mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon maging alas-6 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Samantala, ang Visayas at Mindanao grids naman ay nasa ilalim ng normal na kondisyon, base sa NGCP. 

Batay sa NGCP, ang Luzon Grid ay mayroong available capacity na 14,254 megawatts (MW) kumpara sa peak demand na 13,535 MW. RNT/SA