Home NATIONWIDE 3-day celebration, nakalinya para sa ika-126 taong anibersaryo ng PH Independence Day

3-day celebration, nakalinya para sa ika-126 taong anibersaryo ng PH Independence Day

ISANG Bagong Pilipinas tradition ang naghihintay sa sambayanang Filipino sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-126 taong Philippine Independence Day ngayong taon.

Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang festival-like celebrations ay magsisimula sa Hunyo 10 hanggang 12 na idaraos sa Rizal Park Burnham Green sa Roxas Boulevard, Manila, sa kabila ng Quirino Grandstand.

May iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at non-government organizations ang naghahanda para sa iba’t ibang aktibidad para sa lahat upang I-enjoy ang nasabing selebrasyon mula umaga hanggang gabi para sa tatlong araw.

Ang Pilipinas Obstacle Sport Federation ay magdaraos ng kompetisyon para sa iba’t ibang edad at grupo. Layon nito na bigyan ng isang “ninja warrior” experience ang mga papartisipa na magpapakita ng “athleticism, bravery, grit at perseverance” ng mga sasali.

Sa kabilang dako, magdaraos naman ang Technical Education and Skills Development Authority, Department of Trade and Industry at ang Department of Agriculture ng Kusina (Kitchen) Warrior, isang nationwide competition sa hanay ng mga piling student-cooks na magtatagisan ng galing sa pagluluto ng adobo (suka at toyo, karne o manok) at pancit.

Samantala, ang Chili Federation naman ay magdaraos ng labuyo (wild chili)-eating contest at iba pang aktibidad gaya ng ‘plants at product displays.’

Magdaraos naman ng konsiyerto si National Artist for Dance Alice Reyes sa Hunyo 10, sa Burnham Green.

Ang Musikalayaan ang magpo-provide ng entablado para sa mga musicians at banda gaya ng Rocksteady (June 10), The Juans (June 11), Plethora (June 11) at Bini (June 12).

Nakatakda naman ang film showings ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Heneral Luna, at Goyo: Ang Batang Heneral sa gabi ng Hunyo 11 at 12.

May kabuuang 41 government at non-government agencies ang mag-aalok ng “medical services, fresh produce, passport appointment-bookings, National Bureau of Investigation clearances, artisanal delicacies, children’s story-telling, book sales, educational exhibitions, games, and contests” sa ilalim ng Pampahalaang Program at Servisyo sa Hunyo 11 at 12.

Sa Hunyo 12, magiging tampok sa Parada ng Kalayaan (Freedom Day Parade) ang 22 floats mula sa iba’t ibang lalawigan national government agencies. Makikita sa para da ang 11 events na magbibigay-paliwanag sa para dinanas na paghihirap ng bansa para makamit ang kalayaan.

Sina Paolo Bediones at Isabelle Daza ang mga tatayong host ng programa.

Ginamit naman ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang Facebook para ipost ang kanilang panawagan sa mga Filipino na sumali sa selebrasyon.

Hinikayat naman ng NHCP ang publiko na sundan at i-monitor ang social pages ng komisyon at gamitin ang #Kalayaan2024 para sa mas maraming impormasyon. Kris Jose