Home NATIONWIDE Tapyas-rice duty rate aprub sa NEDA para sa target na P29/kg bigas

Tapyas-rice duty rate aprub sa NEDA para sa target na P29/kg bigas

SINABI ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan na ang pagtapyas sa taripa sa bigas mula 35% sa 15% at karagdagang subsidiya ay makababawas sa presyo ng bigas at maging P29 kada kilo ito para sa mga mahihirap.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Balisacan ang pag-adjust sa tariff cuts sa bigas ng 15% hanggang 2028 at subsidiya mula sa gobyerno ay makagagaan sa paghihirap at pasanin ng mga mahihirap na pamilya.

“We are, the Department of Agriculture, is aiming for the reduction to P29 per kilo at least for the poor because we will complement this tariff reduction with direct subsidies to the poor and the vulnerable so they could access the food at P29 per kilo,” ayon kay Balisacan.

“But overall with the tariff reduction from 35 to 15 percent, everybody would benefit from that,” dagdag na wika ng Kalihim.

Aniya pa, ang subsidiya ay nasa uri ng ‘cash’ at idadaan sa programa ng pamahalaan gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program upang maiwasan ang “leakage.”

“We are also ramping up the implementation of the implementation of food stamp program,” aniya pa rin.

Winika pa ni Balisacan na ang epekto ng rice tariff cuts ay hindi naman magiging kasing laki habang world prices ay nananatiling tumataas subalit ito’y maaaring “substantially ease the upward pressure on domestic prices.”

Nauna rito, inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Comprehensive Tariff Program na naglalayong I-calibrate ang kasalukuyang tariff rates hanggang 2028.

Inaprubahan din ng board ang rekumendasyon ng on Tariff and Related Matters (CTRM) na bawasan ang taripa sa ilang kemikal at coal briquettes para ma- improve ang energy security at mabawasan ang input cost para makatulong na matiyak ang kanilang availability sa reasonableng halaga, sa gayon, suportahan ang mas maraming ‘stable’ na electricity prices at suplay sa bansa.

Samantala ang tariff rates sa mais, baboy, mechanically deboned meats, asukal, gully gaya ng sibuyas, shallots, bawang, broccoli, carrots, cabbage, lettuce, kamote, cassava, coffee substitutes, complete feeds, at feed preparations ay mananatiling pareho.

Ayon kay Balisacan ang koleksyon mula sa rice tariff ay wala namang matinding epekto dahil magpapalaki pa nga nito ang economic activities at mapabubuti pa ang kapakanan ng mga ‘vulnerable households.’

“The remaining tariff is quite substantial, 15 percent pa rin yun,” ayon kay Balisacan.

Ipinag-uutos ng batas na ang Rice Competitiveness Enhancement Fund, ipinatupad noong 2018, dapat na paglaanan ng P10 billion kada taon para sa susunod na anim na taon para suportahan ang mga magsasakang filipino.

Ang P10 billion budget para sa RCEF ay mula sa tariff collection mula sa imported rice.