Home NATIONWIDE Petisyon sa pagpapatibay ng Masungi Geopark Project, ihaihain sa Office of the...

Petisyon sa pagpapatibay ng Masungi Geopark Project, ihaihain sa Office of the President sa World Environment Day

MANILA, Philippines – Pormal nang inihain ng mga kinatawan ng mga kabataan at indigenous people o IPs at faith groups ang kanilang petisyon sa Malakanyang na sumusuporta sa nauna ng memorandum para protektahan ang Masungi Geopark Project sa kabila ng bantang pagkansela dito ni DENR Secretary Yulo-Loysaga

Kalakip ng 10,000 mga lagda ng mga petitioners hiniling nila kay Pangulong “BongBong” Marcos Jr ang pagpapatibay sa Masungi Geopark Project sa halip ng pagpapahirap sa mga nagtatanggol sa kalikasan.

Inihain ang petisyon kasabay na rin ng pagdiriwang ng World Environment Day 2024 ngayong Hunyo 5 na may temang “Our Land, Our Future”.

Sinabi ng UN Convention on Desertification and Drought (UNCCD) na halos kalahati ng lupain ng Pilipinas ay degraded at nangangailangan ng agarang pangagalaga at restorasyon.

Ang Masungi Geopark Project ay naglalayong maibalik ang kagubatan sa 2,700 ektarya ng Upper Marikina Watershed na pumipigil sa baha at iba pang epekto ng pagbabago ng klima sa Metro Manila at Rizal.

Sinabi ni Christaian Mataverde, Presidente ng Tanay Youth malaki na ang naging pagbabago ng Masungi Geopark simula sa nakakalbong kabundokan noong 2016 kumpara noong 2022 ay dahil sa kanilang pagpoprotekta at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng kanilang conservation o reforestation efforts.

Ayon pa kay Mataverde, mawawalan ng saysay ang conservation effort sa Masungi kapag kinansela ang memorandum of agreement ng DENR sa Masungi Geopark Foundation.

“Hanggang Ngayon makikinabang ang mga kabataan at mamamayan sa 25 taong conversation effort para sa Masungi Geopark.

Panawagan ng Masungi Geopark Foundation na mapakinggan ng Pangulo ang hinaing ng mamamayan–hinaing ng environmentalist–hinaing ng mga green activist na ipagpatuloy ang memorandum of agreement dahil ito ay para sa bayan at sa kalikasan.

“The MGP stands as a beacon of environmental stewardship, garnering international acclaim from esteemed bodies such as the United Nations, the International Union for the Conservation of Nature, the International Ranger Federation, and the World Economic Forum. It’s cancellation would not only represent a breach of our international commitments but also a significant setback to our national endeavors in climate action and biodiversity conservation,” nakasaad sa petisyon.

Umaasa rin ang grupo na mapapgbigyan sila ng Pangulo sa kanilang pagsisikap na ipaglaban ang pagprotekta at konserbasyon sa kalikasan.