Home Uncategorized Pagnguso kay Digong, ‘out of context’ lang – Duque

Pagnguso kay Digong, ‘out of context’ lang – Duque

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni dating Health Secretary Francisco Duque ang kanyang pahayag noong Lunes sa pagdinig sa Kongreso kung saan sinabi niya na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-otorisa sa pahlipat ng P47.6 bilyon halaga ng COVID-19 funds sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Ayon kay Dunque, ang kanyang naging pahayag ay nakakalungkot na nawala sa konteksto.

Iginiit ng dating health secretary na ang pqglipat ng pondo para sa procurement ng  common-use supplies at equipment (CSEs) tulad ng  face masks, face shields, at PPEs ay dahil sa pangangailangan ng madaliang pagkilos at pagiging bago ng sitwasyon.

“What has been lost in the political noise is the fact that these CSEs were procured sometime in April 2020, during the very beginning of the pandemic… Their procurement was not only necessary, but was of extreme urgency,” sabi ni Duque .

Sinabi rin ni Duque na hindi na bago ang awtorisasyon ni Duterte para sa paglipat dahil ito ay well-documented sa kanyang mga pampublikong pahayag.

“President Duterte has been consistent and open in directing his administration, as a whole, to act swiftly and decisively and do all that it can to fight the pandemic… His directives were openly made and repeated during our numerous cabinet meetings, his regular televised public address, and in various interviews reported by news outlets,” paliwanag pa ni Duque.

Ang pagbili ng mga suplay para sa COVID-19 ay diumano’y nabahiran ng katiwalian, kung saan inakusahan si Pharmally bilang isang gustong kontratista. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)