Home NATIONWIDE Luzon, Visayas apektado ng Habagat

Luzon, Visayas apektado ng Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Apektado pa rin ng Habagat ang buong Luzon at Visayas ngayong Miyerkules, Setyembre 9.

Ayon sa PAGASA, ang Zambales, Bataan, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro ay makararanas ng occasional rains dahil sa Habagat.

Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Trough ng Tropical Cyclone Krovanh.

Kaparehong panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Aklan, at Antique ngunit dahil sa Habagat.

Ang nalalabing bahagi ng Visayas ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Habagat, habang localized thunderstorm naman sa Mindanao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here