BALER, Aurora – Ilang mahihinang lindol na tektoniko ang yumanig sa ilang bahagi ng Aurora nitong madaling araw ng Miyerkules, na ang pinakamalaki ay may lakas na magnitude 4.0, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ang pinakamalakas na lindol ay nangyari bandang 12:54 a.m., 9 km hilagang-kanluran ng San Luis, Aurora, sa lalim na 6 km, na may Instrumental Intensity II na naramdaman sa San Luis at Maddela, Quirino. Ang iba pang lindol ay may lakas na magnitude 1.7 hanggang 3.2, na naitala sa timog-silangan ng Baler at San Luis.
Ayon sa PHIVOLCS, ang mga lindol ay may pinagmulan sa tektoniko at walang naiulat na pinsala.
Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga residente na manatiling alerto at sundin ang opisyal na abiso. Santi Celario