Home METRO M-5.0 quake tumama sa Surigao del Sur

M-5.0 quake tumama sa Surigao del Sur

MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang karagatan ng Surigao del Sur nitong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang epicenter ng lindol na naganap ng alas-5:16 ng umaga, sa 08.13°N, 126.68°E – 031 km N 71° E ng munisipalidad ng Lingig.

Ayon sa PHIVOLCS, 10 km ang lalim ng tectonic earthquake.

Naramdaman ang Intensity V sa Hinatuan, Surigao del Sur, habang naranasan naman ang Intensity IV sa City of Bislig sa nasabing lalawigan.

Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan ang pinsala subalit walang nakaambang aftershocks. RNT/SA

Previous articlePulse Asia nanindigan sa survey results na mayorya kontra sa Cha-cha
Next articleMga biyahero balik-NCR na; daloy ng trapiko bumibigat na