Home NATIONWIDE Maagang pahayag ni Sara Duterte sa 2028 presidential bid, nagbigay ng ‘certainty’...

Maagang pahayag ni Sara Duterte sa 2028 presidential bid, nagbigay ng ‘certainty’ — Herrera

164
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera na ang maagang pagdedeklara ni Sara Duterte ng kanyang kandidatura sa 2028 presidential elections ay nagbigay ng “sense of certainty and direction” sa mga Pilipino.

“I welcome and support the Vice President’s announcement of her intention to run in the 2028 presidential elections,” ani Herrera noong Linggo, Pebrero 22.

Ayon sa kanya, matagal umanong nabuhay sa espekulasyon ang publiko hinggil sa magiging liderato ng bansa, kaya’t ang paglilinaw ni Duterte sa kanyang plano ay nagbigay ng katiyakan sa gitna ng mga hindi tiyak na panahon.

Dagdag pa ng dating deputy speaker, ang desisyon ng Bise Presidente na tumakbo sa 2028 ay nagpapakita rin ng pagiging bukas sa damdamin ng mga Pilipinong nakikita siya bilang posibleng susunod na lider ng bansa.

“Regardless of political affiliations, what matters most is that our citizens are given the opportunity to openly consider their choices and participate meaningfully in the democratic process,” ani Herrera.

Nagpasalamat din siya kay Duterte sa paglalagay umano ng “clarity before politics” at umaasang mananatiling nakatuon ang pambansang diskurso sa mga programa, solusyon, at kapakanan ng mamamayan.

Matatandaang inanunsyo ni Duterte ang kanyang planong tumakbo sa pagkapangulo noong Pebrero 18, sa gitna ng mga impeachment complaints na inihain laban sa kanya sa Kamara at habang nakakulong ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa Netherlands. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here