Home METRO 3 nawawala sa pagguho ng landfill sa Rizal

3 nawawala sa pagguho ng landfill sa Rizal

212
0

RIZAL, Philippines – Tatlong katao ang iniulat na nawawala matapos ang pagguho ng landfill sa Rodriguez, Rizal noong Biyernes, ayon sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay Rodriguez Mayor Ronnie Evangelista, patuloy na mino-monitor ng mga opisyal ang sitwasyon katuwang ang pribadong operator ng landfill.

Sa inilabas niyang pahayag sa social media, sinabi niyang batay sa paunang imbestigasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), tatlo ang naiulat na nawawala.

Nakikipag-ugnayan din umano ang pamahalaang bayan sa operator na International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc. (ISWIMS) upang matukoy ang kinaroroonan ng mga nawawalang indibidwal at agarang matugunan ang insidente.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng DENR na “mahigpit” nitong mino-monitor ang insidente.

Nagsagawa na rin ng on-site investigation ang Environmental Management Bureau (EMB) sa CALABARZON at nag-utos ng agarang stabilization operations matapos ang pagguho ng tambak na basura.

Iniulat na halos 100 residente ang apektado ng insidente, habang wala pang inilalabas na opisyal na kabuuang datos hinggil sa lawak ng pinsala at bilang ng mga nawawala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here