Home METRO Mayon, naglabas ng lava; umabot sa 3.8km

Mayon, naglabas ng lava; umabot sa 3.8km

175
0

ALBAY, Philippines – Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano matapos umabot sa 3.8 kilometro mula sa summit crater ang daloy ng lava, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Pebrero 22.

Sa 24-hour monitoring mula 12 a.m. Pebrero 21 hanggang 12 a.m. Pebrero 22, 2026, naitala ang lava flow sa tatlong gullies: Basud (3.8 km), Bonga (2.1 km), at Mi-isi (1.3 km).

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng isang volcanic earthquake, 375 rockfall events, at siyam na pyroclastic density current (PDC) signals. Inilarawan ang crater glow bilang “fair” at nakikita ng mata.

Umabot sa 1,271 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux noong Pebrero 21. Umakyat naman ang volcanic plume hanggang 1,000 metro sa ibabaw ng crater na may katamtamang bugso na tinangay patimog-kanluran at kanluran-timog-kanluran.

Ayon sa ahensya, nananatiling inflated ang bulkan batay sa ground deformation data.

Mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa loob ng 6KM Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa panganib ng lava flow, rockfall, pyroclastic density currents, at iba pang volcanic hazards. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here