Home METRO Magkapatid utas sa suwag ng trak sa Batangas

Magkapatid utas sa suwag ng trak sa Batangas

177
0
via San Pascual Municipal Police Station

BATANGAS, Philippines – Patay ang magkapatid matapos mabangga ng dump truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Bypass Road, Barangay Banaba, San Pascual, Batangas, Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina 31-anyos na si King Tumalip, ang rider, at ang kanyang 36-anyos na ate na si Joy Tumalip, kapwa residente ng Barangay San Antonio, San Pascual. Idineklara silang dead on the spot.

Ayon sa imbestigasyon ng San Pascual Municipal Police Station, naganap ang aksidente bandang 9:30 a.m. Tinutahak ng motorsiklo ang eastbound lane nang mabangga ito sa likuran ng dump truck na minamaneho ng isang 60-anyos na lalaki.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima mula sa motorsiklo, habang nakaladkad naman ang motorsiklo ng humigit-kumulang 50 metro.

Naaresto ang driver ng dump truck at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide and Damage to Property sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here