MANILA, Philippines – Inaasahan ng PAGASA ang mainit at maalinsangang panahon sa buong bansa ngayong Semana Santa, na may posibilidad ng localized na pag-ulan o thunderstorm tuwing hapon o gabi dahil sa easterlies.
Mararamdaman ang heat index na aabot sa 43°C–44°C sa Metro Manila, Cavite, Batangas, at iba pang lugar.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang labis na exposure sa init mula 10 a.m. hanggang 4 p.m., uminom ng maraming tubig, magpahinga sa mga may lilim, at magsuot ng magagaan at mapuputing damit.
Ang heat index na nasa 41°C–51°C ay mapanganib at maaaring magdulot ng heat cramps, exhaustion, at heat stroke. RNT