Home OPINION MAANOMALYANG BIDDING SA COAST GUARD NABUKING 

MAANOMALYANG BIDDING SA COAST GUARD NABUKING 

148
0

SABIT sa reklamong nag-uugnay sa humigit kumulang na isang bilyong piso maanomalyang bidding ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard Bids and Awards Committee sa pamumuno nina PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.

Sinampa ang kaso sa Ombudsman kamakailan lamang ukol sa maanomalyang bidding process ng proyektong pagbili ng mga pistola na nagkakahalaga ng  P971,536,500.00 para sa pagbili ng 19,627 units ng caliber 9mm pistol na overpriced o may tongpats na halos P421,000,000.00.

Maliban kay Gavan, sinampahan din ng South Korean company Dasan Machineries Co. Ltd. ng kasong criminal at administratibo sina Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio; Commodore Algier Ricafrente, Commander Benedicto Bartolome at iba pang mga miyembro ng Bids and Awards Committee  at Technical Working Group ng PCG sa maanomalyang bidding process kung saan hindi patas na pinaboran ng Coast Guard ang Armscor Global Defense Inc. sa kabila ng lampas pa sa DOBLE presyo ng mga pistola kumpara sa presyo sa merkado o dealer’s price ng parehong brand at modelo ng pistola.

Sa mga isinampang reklamo, inihayag ng mga opisyal ng Dasan na ang presyo sa merkado o dealer’s price ng mga nasabing baril ay nagkakahalaga lamang ng Php20,500 sa dealer’s price samantalang sa bid price na idineklara ng Armscor at pinalusot ng PCG-BAC na lampas pa sa doble sa halagang P49,500.

Sa nasabing reklamo, inaakusahan ng grave misconduct at gross neglect of duty at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang PCG BAC dahil sa pagpapalusot sa nasabing bidding. Ang mga nasabing transaksyon ay tinawag din “grossly disadvantageous to the government” lalong-lalo na ngayong ang PCG ay nararapat nakatuon sa West Philippine Sea kung saan ito ang dapat paghandaan at hindi ang pagbili ng pistola dahil hindi naman maaring gamitin ito sa maaaring komprontasyon sa dagat.

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here