Home METRO Mabigat na daloy ng trapiko asahan sa pagsasara ng EDSA Kamuning flyover

Mabigat na daloy ng trapiko asahan sa pagsasara ng EDSA Kamuning flyover

MANILA, Philippines – Asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko kasunod ng pagsasara sa southbound lane ng EDSA Kamuning flyover.

“Una, nakita po natin na marami pa rin po sa ating motorista ang pinipili yung service road, so nagkakaroon pa rin po ng clog up dito po sa service road,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes sa panayam ng GMA News.

Dahil dito, magpapatupad ang ahensya ng adjustments kabilang ang paglalagay ng mas maraming signages at pagtatalaga ng mas maraming enforcer para asistihan ang mga motorista sa mga alternatibong ruta.

“Isa sa mga adjustment po natin ay magdagdag ng mga additional signages at mga enforcers para to ensure na ma-disperse yung volume ng vehicles papunta po sa mga alternatibong ruta at huwag po dito magsiksikan sa service road,” ani Artes.

Hindi na rin papayagan ang mga motorcycle rider na gamitin ang service road at inabisuhan ang mga ito na gumamit ng ibang alternatibong ruta.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay magsasagawa ng retrofitting sa flyover para mapatibay pa ito mula sa mga inaasahang kalamidad katulad ng lindol. RNT/JGC