Home NATIONWIDE Mabilis na paglilitis nais ni Arnie Teves, kampo ni Degamo

Mabilis na paglilitis nais ni Arnie Teves, kampo ni Degamo

306
0

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pamplona Mayor at Negros Oriental 3rd District Representative-elect Janice Degamo na nais niya ng “marathon hearings” para sa mas mabilis na paglilitis kay dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves. 

Inaakusahan si Teves na mastermind sa likod ng pagpatay sa asawa ni Degamo, si dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“Nakikita namin there is a need for a marathon hearing to happen,” pahayag ni Janice sa isang panayam nitong Biyernes.

“Nako-compare ko rin yung ibang kaso pong murder katulad ng nangyari sa Ampatuan case. It took them 10 years para po mailabas ang decision ng court, and that will be a very long wait. Kaya tinitignan namin yung angles na kung saan puwede mapabilis po yung paglilitis,” dagdag niya.

Aniya, hihilingin ng kanilang mga abogado ang marathon hearings.

Sinabi naman ni Teves na umaasa rin siya sa mabilis na paglilitis, sa pagpresenta sa kanya sa media bago siya ilipat sa isang detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

“Ito lang sana ‘yung request ko sa Korte. Sana mabilis ‘yung kaso. Sa totoo lang kung ta-trabahuhin talaga ‘yung kaso, sandali lang,” pahayag ni Teves sa press briefing ng NBI.

“At least ma-ano na din, matapos na rin. Kahit nung nandoon ako [sa Timor-Leste], iniisip ko kung hindi man ako umuwi. Haharapin— kailangan din ito matapos eh,” dagdag niya.

Naaresto si Teves nitong Miyerkules sa Timor-Leste kung saan siya humirit ng asylum.

Batay sa NBI, nahaharap si Teves sa mga sumusunod na kaso: 

  • 10 counts ng murder, 13 counts ng frustrated murder, four counts ng attempted murder sa Manila regional trial court (RTC) Branch 51

  • Murder case sa Manila RTC Branch 12

  • Murder case sa Manila RTC Branch 15 

  • Murder case sa Bayawan RTC Branch 63

  • Illegal possession of firearms at illegal possession of explosives sa Manila RTC Branch 12

  • Terrorist Financing, prevention, and suppression act sa Quezon City RTC Branch 77

Itinanggi ni Teves ang mga akusasyon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here