Home METRO Mag-asawa binurdahan ng saksak ng kasambahay

Mag-asawa binurdahan ng saksak ng kasambahay

MANILA, Philippines – Patay ang mag-asawa sa Pasig City matapos na pagtatagain hanggang sa mamatay ng kanilang kasambahay sa tindahan dahil umano sa tinatagong hinanakit nitong Mayo 30.

Makikita sa kuha ng CCTV na biglang hineadlock ng suspek ang kanyang babaeng amo at pinagsasaksak ito ng ilang beses.

Maririnig mula sa video na sumisigaw ng tulong ang biktima.

Makikita rin sa kuha ng CCTV na kinalaunan ay nagtungo ang suspek sa likurang pinto at pinagsasaksak naman ang kanyang lalaking amo na maririnig ding umiiyak na humingi ng saklolo.

Sa kabilang banda, mabuti na lang at nakatakas ang anak sa suspek at nakapagsumbong sa mga awtoridad. Nagtamo ng mga sugat ang anak ngunit nasa stable na kondisyon na ito.

Agad na inaresto ng Pasig City Police ang suspek sa pinangyarihan ng krimen.

“Tulala siya sa pangyayaring iyon, di na siya mag-isip pang tumakas,” ani  Pasig Police chief Police Colonl Celerino Sacro.

Sinabi ng pulisya na ginawa ng suspek ang krimen dahil sa poot dahil palagi siyang inaakusahan ng mag-asawa na nagnanakaw ng pera sa tindahan.

Kinasuhan ang suspek ng frustrated murder at double murder, at kasalukuyang nakakulong sa Pasig Police Station. RNT