Home METRO Menor de edad, isa pa timbog sa pagtutulak ng droga

Menor de edad, isa pa timbog sa pagtutulak ng droga

MANILA, Philippines – Huli ang isang menor de edad at isa pang lalaki dahil┬ása pagtutulak umano ng droga sa Sampaloc, Maynila.

Nadakip ng awtoridad ang 16-anyos at 20-anyos na mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Sampaloc Police Station sa Barangay 484 nitong Linggo.

Nangyari ang operasyon bunsod ng natanggap na tip ng awtoridad, ayon kay Police Major Geo Calibao, hepe ng Sampaloc Police Station Drug Enforcement Unit.

Hindi na nakapalag pa ang dalawang suspek matapos makorner ng pulisya.

Nakuhanan ang mga ito ng 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Base sa panayam sa 20-anyos na suspek, pinantutustos umano nila sa kanilang pamilya ang kita sa pagbebenta ng droga.

Sinabi naman ng menor de edad na suspek na apat na buwang buntis umano ang kaniyang kinakasama.

Nahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT