Home METRO 10-anyos pinagsasampal ng tatay ng kalaro na inagawan ng laruan

10-anyos pinagsasampal ng tatay ng kalaro na inagawan ng laruan

MANILA, Philippines – Pinagsasampal ng tatay ng kalaro hanggang sa dumugo ang tainga ng isang 10-anyos dahil sa away-bata sa Umingan, Pangasinan noong Biyernes.

Base sa ulat, inagaw umano ng 10-anyos ang laruan ng kanyang kalaro. Sa kuha ng CCTV, dito na sumugod ang suspek papalapit sa dalawang bata saka sunod-sunod na pinagsasampal ang biktima.

Dumugo ang tainga ng biktima sa tindi ng kaniyang sinapit.

Kinilala naman ng Umingan Police ang suspek bilang tatay ng kalaro ng bata na nagalit matapos agawin umano ng biktima ang laruan ng kaniyang anak.

Desidido ang pamilya ng biktima na kasuhan ng child abuse ang suspek. RNT