Home METRO Tanod utas sa retiradong parak sa away sa tubig

Tanod utas sa retiradong parak sa away sa tubig

SANTIAGO CITY, Isabela – Patay ang isang barangay tanod matapos na barilin umano ng isang retiradong police major dahil sa away sa tubig ng irigasyon sa Purok 4, Barangay Nabbuan, nitong lungsod, nitong Lunes ng gabi, Hunyo 3.

Kinilala ni Police Lt. Col. Saturnino Soriano, tagapagsalita ng Santiago City Police Station, ang biktima na si Sonny Julian, residente ng Purok 7, Nabbuan, Santiago City.

Sinabi ni Soriano na sakay ng tricycle ang biktima at dalawang kasamahan nang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ito ng kalibre. 38 revolver.

Namatay on the spot si Julian dahil sa maraming tama ng bala.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente na tinutugis na ng awtoridad.

Sinabi ni Soriano na ang pamamaril ay may kaugnayan sa hindi pagkakaunawaan sa tubig ng irigasyon para sa isang palayan. RNT