CEBU CITY – Patay ang isang 10-anyos na batang lalaki sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Barangay Talamban dito ng madaling araw nitong Martes, Hunyo 4.
Kinilala ang nasawi na si Nathan Jade Villamor.
Sinabi ng pulisya na natutulog ang biktima nang masunog ang bahay dakong alas-2 ng madaling araw.
Sinabi ng ina ng biktima na lumabas siya para bumili ng kung ano-ano habang nasa Carbon Market ang lola ng bata nang sumiklab ang apoy.
Tumanggi ang ina ng bata na magbigay ng panayam sa media.
Ang ama ni Nathan na si Chris Jade Rambutan, ay nagtatrabaho sa Maynila matapos silang maghiwalay ng kanyang asawa.
Sinabi ni Police Major Alvino Enguito, hepe ng Talamban police station, na isasagawa ang mas malalim na imbestigasyon sa insidente.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog kung saan umabot sa P300,000 ang halaga ng pinsala. RNT