Home METRO Mag-asawa dedo sa araro ng truck sa Cebu

Mag-asawa dedo sa araro ng truck sa Cebu

177
0

CEBU, Philippines – Hindi na nagising pa ang mag-asawang natutulog sa kanilang pampasadang tricycle matapos araruhin ng dump truck, kahapon ng hatinggabi sa lungsod ng Toledo.

Kinilala ang mga biktimang sina Jeffrey Olid at misis nitong si Maggie Olid at residente sa naturang lungsod.

Nasa kustodiya naman ang Toledo City Police Station ang suspek at driver ng dump truck na kinilalang si Revelito Paraiso, 55, taga Barangay Cantabaco, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, bandang 12:00 ng hatinggabi naganap ang insidente sa Barangay Ibo, ng nabanggit na lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, may naka-engkwentro ang suspek na isa rin driver ng dump truck na nakilalang si Justine Hantica.

Galing umano ng Sityo Anislag, Barangay Canlumampao, Toledo City si Paraiso patungong Barangay Tajao, Pinamungahan City para ihatid ang mga kargang buhangin at graba.

Habang si Hantica ay nasa kabilang linya ng kalsada at nag-overtake sa isang sasakyan, subalit bigla na lamang nitong nakasalubong si Paraiso.

Nabigla si Paraiso kaya naapakan nito ang kanyang preno subalit bumagga ito sa likuran ni Hantika hanggang sa naaro nito ang tricycle ng mag-asawa na nakaparada sa tabi ng motorshop ng naturang lugar.

Kwento ng mekaniko ng motorshop, madalas magpalipas ng gabi ang mag-asawa sa harap ng kanilang shop nasa bulubunduking bahagi pa ang kanilang bahay sa nabanggit na lungsod.

Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to property. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here