MANILA, Philippines – Patay ang mag-asawa matapos itong saksakin ng kanilang sariling manugang sa San Lorenzo, Guimaras.
Ayon sa San Lorenzo police, tutol ang mag-asawa sa pagdadala ng suspek ng kanyang bagong kinakasama sa bahay nito na dati nilang tinirahan ng kanyang namayapang asawa.
Sinabi pa ng pulisya na ang suspek ay naninirahan sa kaparehong compound ng mga biktima.
Sa imbestigasyon, lumabas na lasing ang suspek nang mauwi sa mainitang pagtatalo sa mag-asawa.
Nang tumindi pa ang sitwasyon ay kumuha na ng kutsilyo ang suspek saka pinagsasaksak ang mga biktima.
Nagtamo ng 12 saksak ang 68-anyos na babae, habang ang asawa nito na 68-anyos ay nagtamo naman ng apat na saksak.
Nasa kustodiya na ng San Lorenzo Municipal Police ang suspek at nahaharap sa reklamong double murder at two counts ng attempted homicide. RNT/JGC