Home NATIONWIDE Pagbabayad ng P10K sa sinumang maling ikinulong, ikinasa sa Senado

Pagbabayad ng P10K sa sinumang maling ikinulong, ikinasa sa Senado

211
0

MANILA, Philippines – Sakaling maipasa ang isang panukalang batas sa Senado, nakatakdang magbayad ang Estado ng halagang P10,000 sa sinuman na nagkamaling maipakulong bilang kumpensasyon sa nawalang oras at pagpapapahiya sa pangyayari.

Kamakailan, inihain sa Senado ang Senate Bill No. 597 na naglalayong baguhin mula sa P1,000 ang kumpensasyon ng biktima ng wrongful detention bilang makataong proseso sa sinuman.

“While no amount of money can repay the time lost from these victims of wrongful detention, we are pushing for a more humane process to make justice more accessible, compassionate, and equitable,” ayon kay Senador Erwin Tulfo.

Layunin ng panukala na amendahan ang Republic Act 7309, na naipasa noong 1992 na naglikha sa Board of Claims sa ilalim ng Department of Justice (DOJ), na hindi makatuwirang ikinulong o biktima ng marahas sa krimen.

Itataas din ng panukala sa maximum amount ng kumpensasyon na maaaring aprubahan ng board sa special cases mula sa umiiral na P10,000 tungo sa P50,000 o halaga ng claimant na ibabayad para sa nagastos sa ospital, medical treatment, nawalang sahod, nawalan ng Suporta at katulad na pinsala kung alin ang mas mataas.

Pinalawig din ng panukala ang panahon sa pagsasampa ng claims ng biktima mula anim na buwan tungo sa isang taon matapos mapalaya sa kulungan o payagan silang makapaghabol sa pamamagitan ng kintawan.

“Apart from the increase in the amount of compensation, the proposed law also expands the coverage of the law by providing distinctions between those who were “detained” and “imprisoned” but subsequently found innocent on the crimes that were supposedly committed,” ayon sa panukala.

Sinusugan nito ang isang panukala na naglalayong pagbigay ng medical parole sa sinumang nakulong na matanda at dumadanas ng sakit. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here