Home METRO Mag-asawang engineer, anak natagpuang tigok sa resort sa Batangas

Mag-asawang engineer, anak natagpuang tigok sa resort sa Batangas

290
0

BATANGAS – Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkakatagpo sa bangkay ng mag-asawa at 10-anyos nilang anak na pawang may tama ng bala ng baril sa ulo, noong Linggo sa bayan ng Cuenca.

Batay sa paunang imbestigasyon, bandang 7:00 p.m. noong Setyembre 21, 2025, natagpuan ang katawan ng 33-anyos na lalaki, ng kanyang asawa, at ng kanilang anak sa isang resort sa Sitio Lumampao, Brgy. Don Juan, Cuenca, Batangas.

Lumabas sa isinagawang paraffin test ng pulisya na ang babae mismo umano ang bumaril sa kanyang mag-ama bago nagbaril sa sarili gamit ang isang 9mm na baril.

Nabatid na mga taga-Lipa City ang mga biktima; engineer ang babae, habang software engineer naman ang lalaki.

Napag-alaman na dinukot umano ang lalaki at pinalaya lamang matapos makapagbigay ng ransom money. Matapos nito, nagtungo sila sa Batangas dahil sa takot na muli silang guluhin.

Subalit, posible umanong hindi sila tinantanan ng mga kidnapper, dahilan upang tapusin ang kanilang mga buhay.

Nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang matukoy kung totoong suicide o may naganap na foul play sa nasabing karumal-dumal na krimen.(Mary Anne Sapico)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here