Home NATIONWIDE Paslit dedo sa gulpi ng ina

Paslit dedo sa gulpi ng ina

213
0

CAVITE – Maagang binawian ng buhay ang isang paslit na babae matapos umanong mapatay sa bugbog ng sarili nitong ina, iniulat kahapon sa Dasmariñas City.

Ayon sa report ng Cavite Police Provincial Office, kinilala sa alyas Crystal ang 4-anyos na biktima at Beverly naman ang 23-anyos nitong ina, taga-Barangay Salawag.

Batay sa imbestigasyon ng Dasmariñas Component City Police Station (CCPS), dalawang saksi na nakatira kasama ng suspek at ng bata ang nakakita umano sa ina habang pinapalo nito ng kahoy ang biktima.

Nagtamo ng mga pasa at sugat sa katawan ang bata. Nang mawalan ito ng malay, humingi ng tulong ang suspek sa mga saksi upang madala ang bata sa ospital.

Subalit pagdating doon, idineklara nang patay ng doktor ang biktima.

Lumabas sa pagsisiyasat na paulit-ulit nang sinasaktan ng suspek ang kanyang anak. Ilang buwan pa lamang itong nakatira sa kanya matapos makuha mula sa pangangalaga ng lola.

Bukod sa mga sariwang sugat, nakita rin sa ocular inspection ang mas matagal nang sugat na posibleng dulot ng dati pang pananakit.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Dasmariñas CCPS ang suspek at haharap sa kasong parricide. (Mary Anne Sapico)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here