Home HOME BANNER STORY Staff pumiyok: Maletang puno ng milyones, regular na dinadala kina Romualdez at...

Staff pumiyok: Maletang puno ng milyones, regular na dinadala kina Romualdez at Co

440
0

MANILA, Philippines – Isiniwalat ng staff ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co na inutusan siyang maghatid ng mga maleta ng pera — tinawag na “basura” — kina Co at noo’y House Speaker Martin Romualdez bilang bahagi umano nila sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Orly Guteza, security consultant ni Co, tig-₱48 milyon ang laman ng bawat maleta.

“Higit kumulang tatlong beses ako mismo ang nagdeliver ng basura sa bahay ni Congressman Zaldy Co sa Horizon Residences at sa bahay ni Speaker Romualdez sa 42 McKinley Street, Taguig,” nakasaad sa kanyang affidavit sa ika-anim na Senate hearing.

Dagdag pa niya, iba’t ibang miyembro ng kanilang grupo ang naatasang maghatid.

“Mas maraming pagkakataon na nagdedeliver kami ng basura sa bahay ni Speaker Romualdez at sa bahay ni Congressman Zaldy Co dahil iba-iba kaming mga detailed na close-in, back up,  at advanced party na nagkaroon ng donation,” dagdag pa ni Guteza.

Nagbitiw si Romualdez bilang House Speaker ngayong buwan upang bigyang-daan ang Independent Commission for Infrastructure.

Si Co, na dating appropriations chair, ay nasa US para sa gamutan ngunit pinakansela na ni bagong Speaker Faustino Dy III ang kanyang travel clearance at pinauuwi na sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here