Home METRO Mag-asawang ‘illegal recruiter’ huli sa checkpoint

Mag-asawang ‘illegal recruiter’ huli sa checkpoint

MANILA, Philippines- Arestado ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National POlice (PNP) ang dalawang illegal recruiter sa Tinagacan checkpoint sa South Cotabato.

Kinilala ang mag-asawang suspek na sina Leonardo Yarte, 43, at asawa na si Gng. Lawrence Lyka Yarte na ilegal na nagre-recruit ng PCG para pumasok sa serbisyo ng Coast Guard.

Ang operasyon ay bilang tugon sa ulat ng isa sa 10 biktima na na-recruit ng mga suspek na nagpakilalang mga tauhan ng PCG at Office of the President (OP).

Sinabi ng mga biktima na nag-alok ang mga naarestong indibidwal na i-secure ang kanilang enlistment sa serbisyo ng Coast Guard kapalit ng P120,000 bawat isa.

Sa Tinagacan Checkpoint, habang patungong Davao International Airport para sa kanilang flight patungong Manila, matagumpay na naaresto ang mag-asawa.

Sa nasabing pagkakataon, dumating naman sa Tinagacan checkpoint ang 10 PCG applicant na ilegal na na-recruit ng mga suspek sakay ng bus na dapat sana ay patungong Davao.

Ayon sa PCG, mahaharap ang mag-asawa sa reklamong pag;abag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012, Usurpation of Authority, at Estafa.

Dinala ang mga suspek at 10 nasagip na biktima sa CIDG Region 12 para sa dokumentasyon bago sila pinayagan makabalik sa kanilang boarding house sa General santos City at pinayuhan na mag-report sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.

Inatasan naman ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L Gavan ang lahat ng PCG Districts, Stations, at Sub-Stations na mahigpit na bantayan ang mga ulat ng illegal recruitment at agad na tugunan ang kahalintulad na insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden