Home NATIONWIDE Mag-asawang Miguel at Nicole Syjuco ng Draco Builders’ abswelto sa kasong estafa

Mag-asawang Miguel at Nicole Syjuco ng Draco Builders’ abswelto sa kasong estafa

1323
0

INABSWELTO ng Regional Trial Court (RTC) ng Malita, Davao Occidental ang dalawang mataas na opisyal ng Draco Builders na sina Miguel at Nicole Syjuco sa kasong estafa kaugnay ng isang Davao housing project.

Sa desisyon ni Malita RTC Branch 20 presiding Judge Mylene Anito-Guhiling na may petsang September 12, 2025, kinatigan nito ang joint motion ng private complainant at ng mag-asawang Syjuco sa pamamagitan ng kani-kanilang mga abogado.

Base sa records, lumalabas na ang private complainant ay naglabas ng affidavit of desistance na nagdedeklara na hindi na ito interesado na ipagpatuloy pa ang kaso laban sa mag-asawa.

“Wherefore, above premises considered, the Joint Motion to Dismiss is hereby granted,” ayon sa desisyon ng korte.

Nauna rito, ibinasura na ng Department of Justice ang reklamong estafa dahil sa kawalan ng probable cause na magdidiin sa mga respondent sa kasong estafa.

“Wherefore, in view of the foregoing, the petition for review is granted. The Resolution dated 14 June 2024 is hereby reversed and the complaint for estafa under Article 315, paragraph 1(b) of the Revised Penal Code, as amended, in relation to Section 1, paragraph 2, of Presidential Decree No.1689 is hereby dismissed for insufficiency of evidence,” ayon sa resolusyong nilagdaan ng noon ay Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla.

Nag-ugat ang kaso sa isang construction agreement sa pagitan ng complainant at mga respondent para sa konstruksyon ng housing project sa Davao City na nagkakahalaga ng P200 million, kung saan nagbigay ng minimal down payment para sa design fee ang complainant na tinugunan naman ng mga respondent. Matapos nito, wala ng naganap na pagbabayad sa nasabing projects ang complainant.

Hinilining ng complainant sa respondents na ibalik ang ibinayad nilang design fee pero sinabi ng DOJ na ang down payment ay ‘di maituturing na perang tinanggap bilang pagtitiwala sa complainant.

Binigyang-diin ng DOJ sa kanilang resolusyon na walang obligasyon ang responsdents na isauli ang downpayment dahil tinanggap ito bilang partial consideration para sa construction agreement.

Base sa pag-aaral ng DOJ, lumilitaw na…”the nature of the agreement between the parties negates the probability that the crime of estafa by misappropriation was committed.”

Isinasaad pa nito na maliwanag na ipinakikita ng construction agreement na ang liability ng respondents sakali mang mayroon bilang non-performance of the contractual obligation, ay purely civil in nature at hindi criminal.

Tumanggi naman ang mag-asawang Syjuco na magbigay ng kanilang pahayag kaugnay ng pagkakaabswelto sa nasabing kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here