Home NATIONWIDE Mag-asawang Pinoy na may Interpol red notice arestado sa syndicated estafa

Mag-asawang Pinoy na may Interpol red notice arestado sa syndicated estafa

MANILA, Philippines – Naaresto ang mag-asawang Pinoy na may red notice ng Interpol dahil sa kasong syndicated estafa.

Ayon sa CIDG, nahuli sina “Cerrone” at “Marve” sa NAIA Terminal 1 sa Parañaque City noong Miyerkules. May mga warrant of arrest laban sa kanila mula sa mga korte sa Cebu, Davao, Tacloban, at Quezon City dahil sa panloloko.

Si Cerrone ang dating presidente ng Organico Agribusiness Ventures Corporation, isang kumpanyang inakusahan ng pagpapatakbo ng Ponzi scheme. Nangako umano ito ng “double-your-money” investment, kung saan ang halagang PHP3,600 para sa isang biik ay magiging PHP7,000 sa loob ng tatlong buwan.

Noong Pebrero, inaresto ang mag-asawa sa Thailand matapos bawiin ang kanilang permiso na manatili roon.

Si Cerrone ay itinuturing na isa sa national most wanted persons at may PHP950,000 pabuya sa kanyang pagkakadakip dahil sa 21 kaso ng syndicated estafa. Santi Celario