Home METRO 2 bangkay umalingasaw sa Dasma, Cavite

2 bangkay umalingasaw sa Dasma, Cavite

MANILA, Philippines – Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa magkahiwalay na insidente sa Dasmariñas City, Cavite.

Unang natagpuan ang isang bangkay bandang 8:30 ng umaga sa Molino Paliparan Road, Brgy. Salawag. Naka-itim na sando, blue na short, at itim na sapatos ang biktima.

Samantala, bandang 7:00 ng gabi, isa pang bangkay ng lalaki ang nakita sa isang tubuhan sa Sitio Kubuhan, Brgy. Paliparan 3. Nakasuot ito ng navy blue na short at itim na t-shirt.

Walang nakitang sugat o tama ng bala sa katawan ng mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, kabilang ang pag-backtrack sa CCTV para matukoy ang kanilang pagkakakilanlan. Margie Bautista