MANILA, Philippines – Patay ang mag-asawang senior citizen makaraang sumiklab ang sunog kaninang madaling araw sa Champaca 2 Barangay Fortune, Marikina City.
Sa ulat, itinaas sa ikalawang alarma ang sunog dakong alas 2:45 at idineklarang ala-01:39 ng Marikina Fire department.
Ayon sa mga kagawad ng pamatay sunog ay natrap ang mag-asawang senior citizen sa loob ng banyo na magkayap kung saan ang babae ay n asa 84-anyos at ang lalake ay nasa 80-anyos.
Nasa 17 bahay naman ang nasunog habang 23 pamilya o hindi bababa sa 90 indibidwal ang naapaektuhan ng naturang sunog.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog na sumiklab kaninang madaling araw. Toto Nabaja