Ipinatigil ng Supreme Court (SC) ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdaraos ng plebisito para sa tatlong bagong munisipalidad sa Mindanao.
Ito ay matapos ideklara na unconstitutional ng SC ang Section 5 sa Bangsamoro Autonomy Act Number 53, 54 at 55 kung saan nakasaad na tanging qualified voters ng mga barangay na binubuo ng mga bagong munisipalidad ang boboto sa plebisito.
Sa unanimous decision ng En Banc, bahagya nitong ipinagkaloob ang petisyun ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat.
Naglabas ang Korte ng prohibitory injunction laban sa pagdaraos ng plebisito sa September 7 at 21 para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Autonomy Act Numbers 53, 54, at 55 na nagtatatag ng munisipalidad ng Datu Sinsuat Balbaran at Sheik Abas Hamza sa Maguindanao del Norte, at bagong munisipalidad ng Nuling sa Sultan Kudarat.
Sinabi ng SC na ang mga kwalipikadong botante sa plebisito ay dapat mangagaling sa bago at “mother municipalities“.
Dahil dito, inatasan ng SC ang Comelec na hueag ipatupad ang resolution Numbers 11011 at 11012 na nagtatakda ng plebisito upang maratipika ang pagbuo ng tatlong bagong munisipalidad. Teresa Tavares