MANILA, Philippines- Natagpuang patay ang isang ina at anim na taong gulang niyang anak na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City, kung saan nakabalot ng kumot ang kanilang mga bangkay at nakatago sa ilalim ng kama.
Base sa ulat nitong Biyernes, pinukpok ng suspek ng martilyo ang kanilang mga ulo.
Kinilala ang mga biktima na sina Janice Joy Castro at Jare Aisvon Jerome.
Makikita sa CCTV footage na sinundan ng suspek ang mga biktima nang umalis ang mga ito ng kanilang bahay.
Pagbalik nila, makikita ang suspek na nakadistansya sa mga biktima.
Makalipas ang ilang minuto, makikitang lumabas ang suspek–nakasuot ng sumbrero at long sleeves–mula sa bahay ng mga biktima.
Kalaunan ay kinilala ng mga saksi ang suspek na si Michael Francisco, na napag-alamang kaibigan ng nakakulong na asawa ni Janice.
Gumugulong pa ang imbestigasyon kung saan sinisilip ng mga awtoridad ang anggulo ng ilegal na droga.
Nahaharap si Francisco, na nakatakas, sa dalawang counts ng murder.
Samantala, hustisya ang sigaw ng pamilya ng mga biktima.
“Pinalo ng martilyo, sobra-sobrang hirap ang inabot ng anak ko,” pahayag ni Eugenia Castro, ina ni Janice. RNT/SA