Home NATIONWIDE Libong senior na OFWs makikinabang sa Expanded Centenarian Act – DMW

Libong senior na OFWs makikinabang sa Expanded Centenarian Act – DMW

MANILA, Philippines- Makikinabang sa Republic Act (RA) No.11982 o ang Expanded Centenarian Act na ganap na ipatutupad sa 2025, ang libo-libong matatandang overseas Filipino workers (OFW).

Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na inatasan nito ang mahusay na pamamahagi ng mga benepisyo sa pamamagitan ng Elder Living System, isang programa na idinisenyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng libo-libong matatandaang OFW at kanilang mga pamilya.

Nilagdaan ni DMW Undersecretary Dominique Tutay at Assistant Secretary Venecio Legaspi ang 2024 Joint Memorandum Circular (JMC) No.1 sa Quezon City noong Nobyembre 27 kasama ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) at ilang government departments kabilang ang Department of Foreign Affairs, Department of the Interior and Local Government at Commission on Overseas Filipinos.

Sa Expanded Centenarian Act, pagkakalooban P10,000 cash gift ang mga magdiriwang ng 80th, 85th, 90th at 95th birthdays.

Ang P100,000 cash gift para sa 100 taong gulang ay ang pangunahing tampok ng RA 10868.

Prayoridad ng DMW ang mga senior OFW sa 10-Point Agenda nito na nangangakong bumuo ng mga specialized program na tutugon sa mga natatanging hamon na kinahaharap ng mga matatandaang migranteng manggagawa.

Sinabi rin ng DMW na malapit ding makikipagtulungan ito sa NCSC at iba pang ahensya upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng Expanded Centenarians Act sa buong mundo. Jocelyn Tabangcura-Domenden