Home METRO Mag-inang tulak ng droga, tiklo

Mag-inang tulak ng droga, tiklo

SANTIAGO CITY- Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang mag-ina na pinaniwalaang nagtutulak ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang Anti-illegal drug buybust operation sa Rufino Toque Village, Purok 5, Brgy. Rizal, Santiago City.

Pinangunahan ni PMaj. Christopher Danao, hepe ng Santiago City Intelligence Unit ang anti-illegal drug buybust operation na resulta sa pagka-aresto ng mag-ina na sina Novalyn Vergel Maningo, 48 anyos at anak nitong si Rjay Maningo, 25 anyos, binata at residente sa naturang lugar.

Nabili sa mag-inang suspek ang isang sachet ng hinihinalang droga kapalit ng 1,500 pisong nakuha sa pag-iingat ng mga pinaghihinalaan.

Nakuha rin sa loob ng tahanan ng mga pinaghihinalaan ang apat (4) na piraso ng lighter, maliit na piraso ng gunting, foil, pouch na naglalaman pa ng isang sachet ng droga at Ilan pang drug paraphernalia.

Napag-alaman ang suspek na ina ay una ng nakulong taong 2014 sa kahalintulad na paglabag at nakalaya taong 2019 sa pamamagitan ng plea bargaining.

Pansamantala nasa kostodiya na ngayon ng Santiago City Police Office o SCPO Station 2 ang mag-inang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco