Home OPINION MAG-INGAT SA SIBAK-PENSYON NG AFP, PNP

MAG-INGAT SA SIBAK-PENSYON NG AFP, PNP

316
0

DAPAT mag-ingat ang mga awtoridad sa balak nilang pagsibak sa pensyon ng mga retiradong sundalo at pulis na aktibong lumalahok sa kritisismo o laban nakawan sa buwis ng mga mamamayan at pagtutuwid na rin dito.

Matatandaang binalaan ang mga retirado at pensyonadong sundalo at pulis ng sibak-pensyon kung makikilahok ang mga ito sa mga nasabing mga gawain.

Napakasensitibo ang usaping ito dahil buhay ang ibinuwis o ipinusta o kaya’y dugo ang ibinudbod ng mga sundalo at pulis sa kanilang pagseserbisyo para sa bayan at batayang karapatan nila ang magkapensyon dahil dito.

Ayon kay retired 2-star Armed Forces of the Philippines General Romeo Poquiz, pinaghirapan nila ang kanilang pensyon at hindi ito isang pribilehiyo na kung maisipan ng mga awtoridad na bawiin ay gayon na lamang.

Dahil nga sa malawak at matinding kabulukan o pagnanakaw na sa dulo nito ay pagpapayaman sa pwesto ng iilan at napagkakaitan ang higit na nakararaming mamamayan ng serbisyo publiko, higit nang nakararami ang gustong makialam sa palakad ng gobyerno at mangilan-ngilan na lang ang walang paki.

Dito nasasangkot ang mga sundalo at pulis ngunit sila binalaan nga ng sibak-pensyon.

Napakaraming usapin dito.

Una, bawal na bang i-exercise ng mga retirado at pensyonadong sundalo at pulis ang kanilang karapatang Konstitusyonal na maglabas ng kanilang mga hinaing?

Ikalawa, sinanay at hinubog ang mga retirado at pensyonadong sundalo at pulis na isabuhay ang mandato ng Konstitusyon na pangunahing tungkulin ng pamahalaan na pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan at ngayong ipinagpatuloy ng mga ito ang nasabing mandato laban sa kabulukan at nakawan bilang anyo ng pagsisilbi at pagprotekta, isa na ba itong malaking kasalanan?

Ikatlo, kung tatanggalan silang mga retirado at pensyonadong sundalo at pulis ng pensyon dahil sa kanilang pakikilahok sa panawagang pagbabago o pagtutuwid ng mga mali, nasaan ang panawagan mismo ng gobyerno na dapat makilahok ang lahat laban sa grabeng kabulukan o nakawan sa buwis ng mga mamamayan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here