SANTIAGO CITY-Timbog ang tatlong tulak ng droga kabilang ang magkapatid na kamag-anak umano ng namatay na drug lord na si Jhonny de Leon sa ikinasang drug buybust operation ng mga otoridad sa Purok 5, Barangay Rizal, Santiago City.
Kinilala ang magkapatid na sina Juanito Villacorta De Leon, 49 anyos, at Leodigario Villacorta De Leon, 57 anyos na kapwa residente ng Brgy. Rizal, Santiago City.
Damay rin ang traysikel drayber na umano’y ‘runner’ ng dalawang magkapatid na si Nemecio Santiago Orande Offemaria, 40 anyos at residente naman ng Greenland Subdivision, Plaridel, Santiago City.
Agad na dinakip at pinosasan ang tatlong tulak ng droga matapos makapagbenta ng isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na may bigat na 0.6 grams na tinatayang nagkakahalaga ng P4,200.
Habang kinakapkapan ang tatlong suspek, nakuha mula sa pag-iingat ni Juanito De Leon ang isang piraso ng isang libong piso na ginamit bilang buybust money at isang piraso ng plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu na may narket value P2,800.
Nakuha naman mula sa traysikel drayber ang isa ring plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga naman ng P4,200.
Ang magkapatid na De Leon ay kabilang sa High Value Individual o HVI Target List ng mga otoridad at noong nakaraang taon pa umano naobserbahang bumalik sa iligal na gawain at dati nang nakulong sa parehong transaksyon na hindi naman itinanggi ng mga suspek.
Sa kasalukuyan, pansamantalang nasa kustodiya pa rin ng Presinto dos ng Santiago City Police Office ang tatlong suspek para sa pagsasampa sa kanila ng
Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco