Home METRO Obrero lapnos-balat sa sumabog na LPG

Obrero lapnos-balat sa sumabog na LPG

MANILA, Philippines – Lapnos ang katawan ng isang indibidwal matapos magkaroon ng pagsabog sa isang establisyimento kung saan iniimbak ang mga tangke ng LPG sa Sampaloc, Maynila.

Inoobserbahan ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima na si Romulo Perante, 42, driver ng Metro North Gas Corporation matapos magtamo ng lapnos sa katawan.

Sa ulat ng MPD Police Station 14, alas 11:30 ng gabi nitong Biyernes nang sumabog ang LPG tank na inilagay sa loob ng isang establisyimento.

Dahil sa pagsabog, nasugatan ang biktima at nagkaroon ng structural damage na aabot sa halagang humigit-kumulang P40,000. Jocelyn Tabangcura-Domenden