CAUAYAN CITY, Isabela – Sa kulungan ang bagsak ng magkapatid matapos sa matagumpay na nadakip ng Cauayan City Police Station sa pagtutulak ng iligal na droga sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City.
Sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs ni PLtCol. Avelino Canceran, hepe ng Cauayan City Police Station ang mga naaresto ay sina Alyas “Jajay”, 17-anyos at kapatid na si Alyas “Ed”, 23-anyos na kapwa residente ng Villa Concepcion dito sa nasabing lungsod.
Nasamsam ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakabalot sa alluminum foil, isang genuine ₱500.00, isang ₱500.00 boodle money, isang gunting, isang lighter, isang motorsiklo at dalawang smartphone.
Ayon kay PLtCol. Canceran ay walang puwang sa lungsod ng Cauayan ang mga adik kung kayat mahigpit ang kanyang kampanya laban sa illegal drugs.
Nahaharap sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magkapatid. REY VELASCO