Home NATIONWIDE Magat Dam patuloy na nagpapakawala ng tubig

Magat Dam patuloy na nagpapakawala ng tubig

MANILA, Philippines – Nananatiling bukas ang isang gate sa Magat Dam, na matatagpuan sa pagitan ng Ifugao at Isabela.

Ayon sa PAGASA, ang gate opening sa Magat Dam ay nasa 2.0 meters, at nagpapakawala ng tubig na nasa 573.89 cubic meters per second (CMS).

Kasalukuyan itong mayroong 190.94-meter reservoir water level (RWL), o mas mababa sa 191.62 metrong naitala nitong Linggo.

Ang normal high water level (NHWL) nito ay nasa 193.00 metro.

Samantala, kamakailan ay binuksan din ang mga gate ng Ambuklao at Binga Dams, sa Benguet ngunit nitong Linggo ay isinara na. RNT/JGC