MANILA, Philippines – Gumalaw malapit sa Lubang Island ang China Coast Guard (CCG) vessel 5901 o kilala bilang “monster ship,” iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes, Enero 6.
“Two days ago, na-monitor natin siya sa coastline ng Zambales, sa Capones Island, Zambales. Yesterday, umangat na siya sa northern part ng Zambales. Ngayong umaga, as we speak, it is 80 nautical miles away from Lubang Island, Occidental Mindoro,” pahayag ni PCG spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa panayam ng DZBB.
Ani Tarriela, wala pang hinaharass na mangingisdang Pinoy sa lugar ang monster ship.
Unang namataan ang monster ship sa layong 54 nautical miles mula sa Capones Island, Zambales noong Sabado na pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Bilang tugon ay ipinadala ng PCG ang BRP Cabra, isang helicopter, at PCG Caravan para tutukan ang naturang barko.
Iginiit din ng PCG sa CCG na sila ay nasa loob ng EEZ.
Ayon sa PCG, ang presensya ng barko ng China ay paraan para takutin ang mga mangingisdang Pinoy. RNT/JGC